Saturday, November 28, 2009
Di Sigurado
Sabi ni Bob Ong: "Pakawalan mo yung mga bagay na nakasasakit sayo kahit pinapasaya ka nito. Wag mo hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."
Masaya.
Isa ka sa mga nagpapasaya sa kanya.
Ingat.
...dahil madaming mga matang nakatingin... nanghuhusga...nagbabantay...naghihintay ng mga susunod na mangyayari...kung magiging pareho ba ang kapalaran nung sa nauna...
May mga tao talaga sigurong di kayang maging masaya para sa kapwa nila. May mga tao din na nagpapanggap na may "malasakit" pero ang totoo eh, "chismis" lang ang habol. Ingat kayo sa kanila.
Kaibigan.
Naniniwala sya na madami pa din ang mga may tunay na malasakit. Mga kaibigan na takot lang na masaktan sya. Pinapahalagahan at nirerespeto nya ang mga taong iyon.
Tiwala.
Tiwala at pagkakataon lang ang hinihingi nya sa inyo. Na kung sa anu't-anu man makarating ang mga bagay-bagay. Kaya nya itong lampasan.
Desisyon.
Walang maling desisyon. Nagiging mali lang ito kapag hindi napapaninindigan.
Yan din ang paniniwala nya. Hindi sya siguro aabot kung nasaan sya ngayon kung hindi nya alam kung paano harapin at panindigan ang mga desisyon na ginawa nya.
Di sigurado.
Wala namang bagay ang sigurado sa mundo kundi ang "pagbabago" di ba?
Salamat eerie-silence sa larawan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment