Wednesday, August 19, 2009
It ends at Eleven
Dumating na ang araw na tinutukoy ko dun sa post kong Agosto.
Ngaun yung eksaktong araw na yun. Ika labing-siyam (19) ng Agosto.
Matagal kong pinag-isipan kung gagawin ko nga ito... ooopss! don't panic, I didn't do anything stupid.
Gusto ko lang balikan ang nakaraan... pero hindi nga pwede. Di ba nga? Makakabalik lang tayo sa lugar pero ndi sa panahon.
Ikwekwento ko na nga kung saang mga lugar ako nakarating kanina (bago ko pa malimutan dahil pakiramdam ko, may memory lapses na ko lately.)
Eto na:
9:30 am ako umalis dito, nakaidlip kc ko.
Eto ang itinerary ko kanina:
Tricycle > EDSA Square
MRT Shaw > MRT Taft
(Dapat from MRT Taft > LRT Baclaran (plano ko din kc mgsimba sa Baclaran Church, eh dhil ndi ako tumawid... at narealize ko lng na mali ako nung turn ko na sa ticket booth... lahat ng nauuna sa kin eh puro North Bound ung sinasabing estasyon... eh kung nsa tamang side ako, di mo na kelangan sabihin kung saan kc, next na ung Baclaran station sa EDSA station. Hay!) Strike 1.
MRT Taft > LRT EDSA > Tayuman Station
Tayuman > Jeepney ride going to Lardizabal (dapat), pero Espana pala ung nsakyan ko. Kumusta naman???? Strike 2.
Commercial > ngtext ung new friend ko > nagpapaharvest ng crops sa Farm Town (yata), actually, kahapon pa nya un request... sowee friend... nsa lansangan ako nung mga panahong iyon. =)
Bumaba ako (actually, sumabay ako sa huling bumaba), sa me Lacson/Espana. Tapos kumanan ako, nakuw! Nakita ko ang UST. So, narealize kong, mali ang way ko. So bumalik ako. Strike 3.
Next streeet sign... Dela Fuente. Hinahanap ko ung route ng byaheng Lardizabal.
Lakad pa ng konti... Hayun! Familiar Street... Vicente Cruz. This time, tama na. Doon nga ung daanan ng jeep byaheng Tayuman-Lardizabal. Finally! =)
Jeep from Espana > Lardizabal
Lardizabal > ngpaload muna ko > umakyat ng overpass sa me Ramon Magsaysay Blvd. > syempre nakita ko ang isa pang familiar na building... Ung Hostel (PUP Manila) sa Hasmin Campus. Hay!
Hintay ako ng jeep byaheng Bacood or Punta. Aba! Sa Ramon Magsaysay pala dumadaan ung jeep na byaheng Pasig-Quiapo (natempt kaya kong umuwi na lng...pero hindi... nandun na ko. Sayang ang effort. Hahahaahah!) Ayan, me jeep na... signboard > Bacood > Ako: "Ma, bayad ho. Sa Teresa (kalye kung san ung PUP) lng yan." Gusto ko sana sabihin, estudyante. Nyahahahah!
Isang kanto pagkasakay, tinanaw ko kung nandun pa ung 7-11 sa Pureza... nandun pa, pero "Closed" na. Baka ndi mabenta, o di kaya, baka irerenovate. Hay! Tambay kya kme dun after ng P.E Class namin (Social Dance -- Oha!) dun sa me Antic House.
Di ako bumaba sa Teresa... bumaba ako dun sa simbahan (kc nga di ba, ndi successful ung Baclaran plan ko). Kala ko bukas... pero buti na lng bukas ung Adoration Chapel.
I spent a silent time with Him there. I even prayed the Holy Rosary. (mygas! Strike 4, umatake ang memory gap... ndi ko matandaan ung Glorious Mysteries... sbi ko talaga, "Lord, sorry na... mgJoyful Mysteries na lng ako... kabisado ko un." Kaloka di ba? Feeling ko naman, maiintindihan ako ni Lord saka ni Mama Mary...
Mega reflect ako dun... as in! Sobrang peaceful ksi. In fairness, I feel better afterwards.
Next, I found myself walking along Teresa Street. Kasabay ng mga PUPians. Hahahahah! Feeling estudyante talaga ko knina... Ayun, nglakad lakad ako...pero ung nakaraan ung nakikita ko. Parang movie lng ganun... ung me flashback.
Bumili ko ng souvenir... PUP lanyard.
Andaming ng pinagbago... wala na ung mga barung-barong sa gilid ng PUP (Mabini Campus). Malinis na... ndi na nakakatakot pumasok. Dami kayang snatchers at holduppers dun na nambibiktima ng estudyante. Pero awa ng Diyos, sa apat at kalahating taon kong nilagi duon, eh ndi ako nabiktima. (Amazona yata to! Hahahah!)
Sabi ko sa sarili ko, tama na to... nglakad na ko pabalik.
Sakay ako ng jeep byaheng Cubao > bumaba ako sa SM Sta. Mesa
Hay! Madami din kaya akong memories dito... lakad-lakad...ikot-ikot...
Pumasok ako sa Papemelroti > naisip ko ung mga close friends ko... so, tumingin ako ng pwedeng ibigay sa kanila. Binilhan ko sila ng mini notebook. Ung isa about friends ung cover, ung isa about happiness. Saka isang daily journal (for my new friend, sabi nya kc kagabi, mahilig daw syang magsulat.) Ung sa kin naman... ang nakalagay: Tomorrow's life is too late. Live Today. The Beginning is always today. Sapul ako di ba?? Anu ba tong ginagawa ko di ba??? Bumabalik sa nakaraan...
Syempre, niconvince ko na lng ung sarili ko, sabi ko... sandali na lng.... malapit ng matapos ung itinerary ko.
National Bookstore > gusto ko sana bumili ulit ng libro, kaya lng dami ko pa palang libro na hindi nababasa. Ang ending, gel pens na color pink and purple ang nabili ko. Heheheh!
Pagkatapos ng konting window shopping, ngdecide na ko umalis. Labas ako ng mall. Dun ako dumaan sa me sidewalk, asensado na, me bakod ng bakal, kaya pala ndi na ngtratrapik. Ang layo ng inikot ko, para lng mag-end sa footbridge sa gilid ng SM. Strike 5.
Footbridge patawid from SM. Lakad. Isa pang bonggang footbridge patawid naman sa me sakayan ng jeep going to Quezon Ave. Kapagod ha???!
Jeep from G. Araneta - Quezon Ave. Kakapaypay ko ng dala ko, nasira ung paper bag. Strike 6. Buti na lng ndi naman kalakihan ung punit. Pero muka pa rin akong tanga na me dalang punit na paper bag.
Quezon Ave na ko... hay! I'm getting near. Nakatanaw na naman ako ng bonggang footbridges... with "s" talaga. Kasi ang dami, ang haba at ang taas. Not again! Di ko na keri umakyat dyan. Nag-isip ako ng ibang way....
Pumara kong ng jeep byaheng Proj. 8/Munoz. "Ma, bayad. Frisco po." Aba! Aba! Naalala ko pa... actually, sinusundan ko lang ang mga paa ko. Alam pa rin nyang puntahan ung mga lugar na dati na nyang pinupuntahan. Sa puntong ito, napaisip na ko, anu nga ba talaga ang gusto kong gawin??? Gusto ko ba sya makita? makausap? o wala lng.
Lakad ako sa Frisco... medyo na lost ako ng konti dito (Strike 7)... malayo ung inikutan ko. Pero, nakita ko pa rin naman ung sakayan papuntang Royal (EDSA).
Medyo matagal bago napuno ng pasahero ung jeep. Kaya ngkaron ako ng time na mag-isip ng mabuti... Ang final decision ko??? Wala akong gagawin na kakaiba para makita sya. Tama na ung dumaan ung jeep na sinasakyan ko sa tapat ng bahay nila. Yellow na ung color ng gate nila ngaun. Blue un dati.
Bket ndi na lng? Baket last minute eh ngbago ang isip ko?
Eh mega effort na nga ko... naisip ko din kc na, maliit lng ang mundo. At sa loob ng 7 years, di pinag-adya ni Lord na magkita kme. Tapos ako, heto ako, hinahanap sya. Labanan ba ang kapalaran? It must be fate. Sinabi ko na lng sa sarili ko. Magkikita kami ulit... In His time.
Nasa EDSA na ko, naghihintay ng bus papuntang MRT-Noth.
MRT North > MRT Shaw.
Habang lulan ako ng bus at tren, nagmuni-muni ako. Nagsayang lang ba ko ng panahon at pagod?
Sa palagay ko, hindi. Masaya ako (kahit pagod). At least, ndi ko na itatanong sa sarili ko na... "what if?"
Imagine, I waited 7 long years (4 years kame as couple), just to do those things...na balikan ang nakaraan...balikan ung mga lugar na magpapaalala sa kanya...sa min...
Alam ko na ang sagot sa mga tanong ko...
Sbi nga dun sa notebook ko, Tomorrow's life is too late. Live Today. The Beginning is always today.
August 19, 1998 - Aug 19, 2009
Today, I'll stop counting the years. It ends at Eleven.
I'm moving forward. =)
Maraming salamat lilyana sa larawan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
cha... nagkakilala tyo sa panahong malayo na sa kasalukuyan...
it ends at eleven.... after i read your post parang bumalik ako sa nakaraan... pati ako, sumasabay sa bawat hakbang ng pagbalik mo sa nakaraan... pero tama ka... pagkabasa ko parang gumaan ang loob ko... medyo bitin nga kc ung hinahanap kong ending eh wala pa... pati ako naghihintay at maghihintay sa kwento ng buhay pag-ibig mo kung saan, kung kanino at kung kailan sya darating....
Post a Comment