Thursday, July 3, 2014

Andito lang ako

Isa yata ang araw na ito na naubusan ako ng mga salitang sasabihin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para mapawi ang sakit na pinagdadaanan ng isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan.
Lumalala na daw ang kondisyon ng nanay nya. Unti-unting nanghihina sa kabila ng patuloy na dialysis at chemo.
Walang tigil ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata at wala akong magawa kundi samahan sya at magdasal.

No comments: