Friday, June 6, 2014

Day 16 - June 6 | Ok lang


Nakakamiss pala yung mga sms/vibe na "Ingat ka."

Nakakatuwa na may nagpapaalala na mag-ingat ka. (tanga ka pa naman! Hehehe!)

Nauna kang huminto eh. Di ka na lang basta nagparamdam. Siguro nawalan ka na ng panahon. (Kahit alam mong demanding ako, syempre, di pwede magdemand!)

Sabagay, bigla ka rin naman nagparamdam eh. So, malamang bigla din ang pag-alis mo sa eksena. (Bakit ba na-surprise pa ko?)

Pero bakit ang pakiramdam ko eh ang pakiramdam mo eh isang sms/vibe mo lang ay sasagot ako? Feeling ko lang talaga. Siguro dahil di ko ugali mang-deadma lalu na kung wala naman talagang issue. 

Wala akong matandaang pagkakataon na hindi ko pinansin ang sms/pm mo. Kahit anu pa yan. Busy ka eh. Pero busy din ako (mukha lang hindi). Ang difference natin e, I make time while you try to find time (di ako sure sa'yo). 

O baka yun na yun. It's your way of saying, I'm no longer interested. Parang gusto ko tuloy i-screencap yung msgs mo e. To remind you of the things you said. On second thought, 'wag na lang.

Pero narealize ko, ok lang din pala kahit wala. Dahil mag-iingat pa rin ako may magpaalala man o wala. Dahil di lang dahil sa "kaniya" umiikot ang mundo ko.

Nag-iingat ako para kay Carl, sa pamilya ko pati na rin sa sarili ko. Panu ko na lang makikilala ang nilaan ni Lord kung lasug-lasog na ko! 😛

Nakakamiss. 
Kaya lang, ganun talaga eh. Di dapat masanay sa mga bagay na pwedeng mawala "any monument". 
Ok lang. OK lang ako. 😊

"People get what they get, it has nothing to do with what we deserve." -Dr. House



No comments: