I woke up early because I'm excited to test my newly purchased Skechers GOrun in UP Academic Oval today. I BBMd Shine, but I guess she was still sleeping. So, I slept some more. She replied around 8am. I then prepped to meet her in McDo Quezon Ave. After 2 hours (prep + travel time), I reached McDo. Had my brekky while waiting for Shine.
Feel nya na inaatat ko sya. As in mega BBM ako ng location ko and all. At ayan, makulay daw ang suot nya, at kumusta naman, pink daw! Hahahah! Pareho kami naka-pink. As in literally naka print sa shirt nya ang word na PINK. Hahahah! Eto na, kami na ang terno, pink top at pink/coral shoes!
Matapos kumain sa Mc Do, sumakay na kami ng cab papuntang UP Diliman. Bumaba kami sa Palma Hall. Si Shine, mega-reminisce... dun kasi ang building nila nung college (UP College of Social Sciences and Philosophy). Stretching ng unti, tapos gora na. Lakad galore. Peechure-peechure habang nag-iikot sa UP. Medyo tanghali na kaya mainit na din, buti na lang, malilim sa UP dahil madaming puno.
Naka dalawang ikot din yata kami sa oval, tapos nag iba na kami ng daan. Pumunta kami dun sa may tiangge malapit sa Parish of the Holy Sacrifice. Pumasok at nilibot din namin ang UP Shopping Center. At heto na, nag crave ng isaw si Shine, puntahan daw namin ang isawan ni Mang Larry. Hay! at dahil maaga pa, ala pa si Mang Larry.
Naghanap muna kami ng matatambayan dahil pagod na kami kakaikot. Sa waiting shed, nakakita kami ng gigantic na langgam. Hahaha! At makalipas ang ilang minuto, nagdecide na kami na bumalik sa Sunken Garden. Lakad ulit. Hahahaha!
Sa Sunken Garden, peechure-peechure, chikahan, nood ng naglalaro ng frisbee, kinig ng music. Gutom na. Naisip namin balikan si Mang Larry, at this time, sumakay na kami ng byaheng SM North. Bumaba kami sa UP Shopping Center, dahil may paltos na si Shine, di kinaya ng kanyang reinforcement. Band-aid na ang kelangan nya. Ayun, buti na lang may botika dun. Paglabas namin dun, wala pa ding umuusok sa pwesto ni Mang Larry, wala pa si Mang Larry. Loser. Naisipan namin pumunta na lang ng SM North. But Shine came up with a brilliant idea. Iexplore daw namin ang Maginhawa St. So, sumakay kami ng cab, sabi ni Shine, "Manong, dyan lang po tayo sa Maginhawa." Pagdating dun, nakakita na kame ng strips ng mga snack bar. Bumaba na kami. Lakad ulit lakad. Hanap kung san masarap. Parang ala kami makita na bet namin. She searched Twitter. Ang mga search results, Moon Leaf, Crazy Katsu at Zugbu Liempo among a lot of restos. Pumara na kame ng tricycle, at sabi namin, ihatid kame sa Moon Leaf....taaadaaan, "sorry we're closed." "Manong, dun na lang sa Zugbu Liempo." P20 lang siningil ni Manong.
Zugbu Liempo - tastier than Cebu Lechon (yan ang tag line nila) in fairness, ang saaaarraaap nga! Habang kumakain, nagpaalam na ang BB ko. Nadrain ang baterya. Nilagay ko sa bag ko. Kain ulit kain. Nung matapos na kame, at madami pang tira, pinabalot ko at nagbayad na din ako. At dahil maliit na sling bag lang ang dala ko, nilabas ko muna ung ibang laman para magkasya ung pinabalot ko. Nung ok na, umalis na kami. Binalikan namin yung nakita namin na may signage na "branded clothes for sale".
No. 87 Maginhawa St. - andaming branded clothes, bags, shoes, sandals, etc. iba brand new, iba pre-owned. May nagustuhan si shine, kaya lang, wala yung in-charge sa shop, para kuya tagabantay lang ang nandun, so di nya nabili. Nung palabas na kami, napansin namin ang sandamakmak na plaka. Yung long playing! Yung niple-play sa turntable! Astig! So, nagpaalam kami kung pwede magpapicture. Kasi ang feeling namin nasa museum kami. Parang na-time space warp. Super lumang mga plaka, bust statues, old pictures of our previous presidents, etc. Habang ine-explore namin, may lumabas na isang matipunong matandang lalaki. Tinanong ni Shine kung sya si Mr. Vera Cruz. Sabi nya, ako nga. Panu nyo nalaman? Sinabi namin na nabasa namin yung news article na naka-frame pag pasok ng "mala-museum" nilang bahay. Nalaman namin na kolektor sya ng mga music items at bust sculptures na musuem pieces. Binebenta daw nya yun sa Bangko Sentral (astig!). Matapos ma-amaze ng bongga, nagpapicture kami kasama sya. Konting ikot pa at picture, at nagpasalamat at nagpaalam na kami. Yesteryear Music Gallery pala ang pangalan nung lugar napuntahan namin.
Paglabas namin, biglang umulan. Nag-isip pa kami kung uuwi na o magkakape muna. At dahil pareho kaming walang dalang charger, nagdecide na kami na umuwi na lang. Nagpahatid kami sa St. Chuatoco. Bumaba ako dun sa may St. Paul the Apostle Church at naglakad gang dun sa sakayan papuntang SM North. Madali ako nakasakay ng fx.
Pagdating sa bahay, pinakuha ko kay Carl yung charger nung BB ko. Di daw nya makita, so ako na ang umakyat sa kwarto, nandun naman. Pagbaba ko, oh my gulay! wala sa bag ko ang BB ko!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Waaaaaahhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Tinext ko kagad si Shine. Feeling ko di pa nya nababasa, so tinawagan ko na. At nikwento ko ang pangyayari. Na ang feeling ko eh sa Zugbu Liempo ko nailapag yung BB ko. Dahil dun ko na lang yun pwedeng naibaba dahil drained ang battery so wala ako dahilan para ilabas sya. Baka nung inaayos ko yung bag ko para magkasya yung pinabalot ko. Nanghina ako. Naputol ang usapan namin. Deads na pareho ang phones nya. Nag search ako sa facebook ng contact numbers ng Zugbu. Nung tatawagan ko na, dumating naman sa kwarto ko si Mommy. So, deadma muna, nakiusap ako kay Shine na sya na lang ang tumawag. Tinext ko sya tapos tinawagan din. Try daw nya tawagan, makalipas ang ilang minuto, nagtext sya, wala daw sumasagot. Pero pupuntahan daw nya, magtsitsinelas lang daw sya. Dahil nga mega paltos ang paa nya. Pinuntuhan nya, habang naghihintay ako... feeling ko wala na talagang pag-asa. Tinext ko na ang ilang mga kaibigan to let them know I lost my BB. Makalipas ulit ang ilang minuto, tumawag na si Shine. Wala daw. Di daw napansin nung taga Zugbu, dahil di naman daw kagad nila niligpit ung kinainan namin. Palibhasa, may dalawang customer din kami na kasabay at may mama sa kabilang tindahan. At saka tabing daan din. So madaming posibleng pwedeng nakakuha nun. Ayun... wala na ang BB ko. Wala na. 5 months old pa lang sya, nawala na. The optimist part of me says, you just lost a phone. The people in CDO lost their houses, sources of living...lost lives. Sabi nga ni Jleg, hayaan mo na friend, kikitain natin yan.
Goodbye, BB.
Goodbye, pictures, videos, BBM/contact numbers, memories...
Goodbye, 2011.
No comments:
Post a Comment